Tuesday, September 1, 2009

Talumpati tunkol sa "Kahalagahan ng ating mga Magulang"

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?.Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito.

Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap.Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang.

Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.

"Global Warming O Ang Pag-init Ng Mundo"

Alam natin na ngayong panahong ito na nakakaproblema
tayo sa ating mundo lalo't higit ay ang pabago-bago
ng klima ito ay dahil sa "global Warming".Nag kakaroon
tayo ng El nino at El nina (sobrang tag-init,at sobrang
tag-ulan).
Ang pagkabutas ng "ozone Layer" ay nakakapag dulot ng pangamba lalo't higit sa dako ng atlantik at antartika.
Ang epekto nito ay ang pagkawala ng pansala ng "Ultra Violet
rays"mula sa araw papunta sa mundo.Ito ay nagiging dahilan ng sobrang init ng ating kapaligiran at pagkakasakit ng marami ng
cancer sa balat.Ito ay nang yari dahil sa kapabayaan ng mga tao.Walang pakundangan ang pagtapon natin ng basura at ang
sobrang pagpapakawala ng"Carbon Monoxide"na lumalabas sa
tambutso ng mga sasakyan,Air Conditioning,Hair Spray,at iba pa.

"Kabataan may magagawa ka pa!"

Ang pang-aabuso sa mga sangkap ng likas na kapaligiranh kaloob ng maykapal ay isa sa mga suliraning panlipunan. Isa sa mga lubhang napagsasamantalahan ay ang mga kabundukan. Dito pa naman nagmumula ang mga kagamitang lubhang kailangan ng mga tao sa pagbabahay upang may masilungan. Nanggagaling din sa kabundukan ang marami sa iba't ibang kagamitan para sa pagpapasulong ng industriyalisasyon sa bansa.

Ang mga punungkahoy sa kabundukan ay kasangkapan sa pagtitipon ng tubig upang maiwasan ang tagtuyot at mahadlangan ang pagbaha sa kapatagan. Ngunit ang mga punungkahoy ang napagsasamantalahan ng mga taong makasarili dahil sa isinasagawang tiwaling pangangahoy at pagtatabla na tinatawag na "illegal logging".

Ako bilang isang kabataan ay may magagawa pa para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kapaligiran sa pamamagitan ng paghihimok sa mga tulad kong kabataan na maipahiwatig sa iba pa na alagaan ang ating kapaligiran

Jeenifer C. Torres
BSOA

PAG-IBIG PARA SA KABABAIHAN....

Isa sa mahalagang natutunan natin ang kahalagahan ng kababaihan dito sa ating lipunan.Subalit ating pagmasdan bakit nga ba kababaihan lagi na lang nababailataang pagkababae nila natatapakan na?diba dapat nating tandaan na kung wala mga kababaihan walang magluluwal dito sa mundong ginagalawan.kaya tayong bilang kabataang kababaihan dapat wag nating kalimutan ang ating dignidad at karapatan.Alam naman natin na sa ngayon ang kayang gawin ng babae kaya na rin nating mga babae ngunit bakit ganun pagdating sa pag-ibig kaming mga babae na lang ang kawawa pag kame nangaliwa sa aming asawa ayan na mga kapitbahay sari-sari ang panghuhusga sayong pagkakamali may magsasabing haliparot o malandi ka! ngunit masakit pa nito pag mga anak mo'y nadadamay na.Subalit bakit ganun pag lalaki gumawa ng ganung kasalanan iyon pa'y kanilang karangalan pagkat magbilang ng babae ay isang paraan daw upang pagkalalaki nila ay mapatunayan.Hindi ko sinasabi ito dahil ako'y isang babae kundi nais ko lamang na dapat magising tayo sa katotohanan na tayong mga babae ay hindi isang laruan lamang.

Isinulat ni Joana Magsino

Tunay na pagmamahal ni Shiela O. de Rama

Saan nga ba matatagpuan ang tunay na pagmamahal? May ganto pa bang pagmamahal sa panahon ngayon? Tunay a pagmamahal sapat na nga bang sabihin lang ito sa salita at di na sa gawa. Sapat na bang marinig na lang natin na "mahal kita" at matutuwa ka na at masasabi mog mahal ka niyang talaga. Ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan sa iyong kaibigan at katipan ngunit ang pinaka-tunay at dakilang pagmamahal ay matatagpuan sa ating pamilya at di na kailangang pagdudahan pa.Sino nga ba ang magmamahal sa atin ng tunay kailanman ay di mapapantayan ng kahit na ano mang bagay sa ating buhay. Di ba't sa lahat ng panahon at pangangailangan sila ag ating tunay na karamay at kahit kailanman ay di iiwan at pababayaan lalo na sa oras ng kagipitan. Kahit anomang pagkakamali ang ating magawa ay ang pamilya mo lang ang tunay na makakaintindi sayo. Matatagpuan lang talaga ang dakila at tunay na pagmamahal sa ating pamilya.

"Kabataan" ni: Mary Jane Delgado

Ang Kabataan ang pag asa ng bayan.
Totoo nga bang ang kabataan ang pag asa ng bayan?Marahil nga tayo ay magdadalawang isip.Mayroon sasagot ng oo,Mayroong hindi.Ang kabataan sa kasalukuyan ay di tulad ng kabataan ng nakaraan.Maraming kabataan nung unang panahon na sa murang idad pa lamang alam na nila kung paano lumaban sa hamon ng buhay.May mga kabataang nag-aaral mabuti para sa kinabukasan.May mga kabataang di pinapansin ang mga tukso sa kapaligiran.Tulad ng bisyo,alak at droga.May lakas sila ng loob na labanan ang kapahamakan at inplowensya ng barkada.Matalino nilang sinusuri ang mga kaibigan nilang sasamahan.Likas pati sa kabataan noon ang paggalang di lamang sa matatanda kundi sa kapwa bata.
Tingnan naman natin ang kabataan sa ngayon nasaan ang ilan?Nasa paaralan ba,Nakatambay,maagang nagkaroon ng pamilya?Ilan lamang ito sa mga katotohanan kung ano ang kabataan sa ngayon.Marami sa kabataan ang napupusok at mabilis nadadala ng inpluwensya ng mga kaibigan.Di bat karamihan sa kabataan ngayon ay nasasangkot sa pinakamalaking problema ng lipunan.Ang Droga,Marami ng hadla sa pag unlad ng kabataan.Iilan lamang ang mga kabataan nasa tamang direksyon upang makamit ang kanilang tagumpay.Kahit sila ay nag-aaral naiimpluwensya parin sila ng kanilang mga kasamahan.Mayroong parin sa kabataan sa kasalukuyan ang nasasabing pag asa ng bayan.Sino nga ba ang pag asa ng bayan?Kabataan nga ba?

"Ang may Magulang" ni: Liezel B. Gueavarra

Bawat isa sa atin ay may mga magulang Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa kapakanan ng anak. Masarap magkaroon ng magulang yung magmamahal sayo, tutulong sa mga problema at sa oras na pumatak ang luha dahil sa kabiguan andyan sila upang patahanin ka. Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulet madapa, andyan si Itay na managangaral para hindi mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang.

Tayong kabataan na may mga magulang pa ay maituturing na talagang maswerte dahil bawat isa sa atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang arwa mo, Ama na naghihirap magtrabaho para sa luho sa buhay,iwan man tayo ng lahat ngunit kailanman ang ating magulang ay hinding hindi tayo iiwan.
Tayong may mga magulang sana ay pahalagahan natin bawat ginagawa nila malaki man o maliit, mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa mga araw mo, pagsasabihan ng mga problema at babahagian mo ng mag pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang magulang.

Mahirap ang mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan ang magkaron ng magulang na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina sa tuwing bubungad palang sa pinto, bugbog, tadyak, suntok ng Ama sa tuwing matatalo sa sugal o lunod sa alak, ay walang nagpaparamdam ng ganon, ang hirap diba, mahirap lumaki ng ikaw lang at walang kasama. Hanggang nakakasama pa natin sila isipin natin at pahalagahan ang mag ginagawa nila, wala tayo sa ating kinalalagyan kung hindi dahil sa kanila. Sa oras ng silay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sana nating sigawan kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kapag napadumi o napaihi sa short, imbis ay intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasensyahan man kung maging bingi, diba natin naisip nung mag bata pa tayo ay hindi sila nagsawang intindihin tayo ng paulit-ulit.

Kung dumating ang araw na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ay huwag sanang pagsawaang alagaan, tayo bilang anak ay kailangang gawin ito sapagkat dito lamang tayo babawi sa lahat ng ginawa nila sa atin.


Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO P0 KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat, kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sigaw, dami ng luha at sakit ng nararamdaman hindi mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sahing "Inay at Itay maraming maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".